sino bang nagsabi?
heto na naman ang away
napapanahon na naman
ilan ba sa isang buwan?
ang ginugugol sa usapan?
sa tampuhan?
sa singhalan?
sino bang nagsabing ganito lang kadali?
ang magmahal,
ang makisama sa isang tulad mo?
sa isang tulad ko?
parehas matigas ang ulo.
parehas ayaw magpatalo.
kailan ba naging tama
ang gustuhing awayin ka?
tila ba nasanay na
naging komportable sa ganitong klaseng pagsasama.
parang di kumpleto ang araw ng di ka nakakabangga.
sino bang nagsabi
sino bang nagsabing ganito lang kadali?
ang magmahal,
ang makisama sa isang tulad mo?
sa isang tulad ko?
parehas matigas ang ulo.
parehas ayaw magpatalo?
sino bang nagsabi?
sino bang nagsabi?
sino bang nagsabi?
sa likod ng lahat ang mahalaga ay
mahal kita, at ako’y mahal mo
hindi ba?